Sabado, Marso 4, 2017

Pamamaalam

Ang hirap kalimutan ang isang tulad mo
Ang hirap lumayo sa nakasanayan ko
Ang hirap magpanggap sa harapan mo
Ang hirap magbiro dahil nasasaktan ako

Ang hirap magsalita, pagpayo sayo
Ang hirap tumitig, naluluha ako
Ang hirap makinig, ikakamatay ko
Ang hirap dumilat, nadudurog ako.

Dulo ng mga bagay ay lilipas din
Panandalian lamang ito, sakit na iisipin
Tama lang siguro, na isulat ko pa ito
At magsilbing regalo ko, kahit na itapon mo pa ito.

Regalo para sa pasko, dahil wala nang maisip
Regalo para sayo, dahil ayaw kita mainggit
Naaalala mo ba nang ako’y gumawa?
Na sabi mo, sana ikaw na lang.

Ngayo’y babawi ako, ihahandog ko sa iyo
Huling sulat na ito, para basahin mo
Tapos itapon mo, dahil alaala ito.
Hayaang masunog, baka sakaling nawala na rin ako.

Ako’y nasa pagitan ng kaya pa at hindi na.
Ako’y nasa puso ng may iba at ako pa.
Ako’y naiipit sa pagitan ng tapos na at simula pa.
Ako’y mamatay sa pagitan ng ngayon at mamaya na.

Magpapaalam, hanggang sa muli.
Hindi ko alam kung kailan ngingiti.
Hanngang dito na lang, wala na akong masabi
Paalam sayo, na may halong pighati.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento