Sabado, Marso 4, 2017

Gunita

Aking orihinal na titik, sana’y mapakinggan.
Aking natatanging kwento, sana’y magustuhan.
Ang laman ng isip sana’y maramdaman
kung bakit isinulat ang ganitong kasaysayan.

Siya ang dahilan kung bakit ito isinulat.
Siya ang dahilan kaya ang mga mata’y naimulat.
Siya ang dahilan kung bakit mayroong sugat
ang pagsigaw ng puso na mas malakas pa sa kidlat.

Isang bagong nakalipas
na sa puso’y gumasgas
Ngayo’y ililista ang ibig
gamit ang tinta na tubig.

Isang sulat na malaya
na galing pa sa haraya.
At ang mga gunita
ay patungkol sa kanya.

Isang milyang paghihintay
na sa aki’y pumatay;
Isang kilong pasesnya
ang binitawan para sa kanya.

Isang plumang sira
ang gamit sa tula,
habang inaalala
ang mga bagay na tayo sana.

Isang papel na hangin
sa pagsulat ay gagamitin
upang tangayin na rin
ang sakit na iisipin.

Isang tinta na bihira,
ito ay galing pa sa’king luha
para ang mga letra
ay hindi na mabasa.
Sino ka nga ba talaga ?
Bakit ako nagkaganito ?
Gusto kita na makita
dahil ako nga’y nalilito.

Ang hirap naman kasi umamin
kahit pabiro.
Dahil alam nang hindi maniniwala sa’kin,
masasaktan lang ang puso.
Ang hirap sabihin
na “oo, gusto kita”,
dahil ako ay napapapikit din
dahil may gusto ka’ng iba.

Ayaw ko na gawin,
mabibigo lang ako.
Ayaw ko na tumingin,
masasaktan lang ako.

Alak ka ba ?
Dahil tinatamaan lagi ako.
O droga ka ba ?
Dahil laging hanap ng hanap sayo.

Gusto ko na itong tapusin
ngunit hindi nila alam ang pagkatao mo.
Ito lang naman ang aking gustong sabihin,
kanina ko pa binanggit ang pangalan mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento