Tatlo, dalawa, isa.
Isa
Una.
Simula.
Simula pa lang. Numero na ang nagpapatakbo sa ating mundo.
Umpisa pa lang, pati buhay natin ay nakadikta sa numero
Mula Yaman
Edad
Kaarawan.
Nagsimula tayo dito
Mula sa pinanganak tayo
At magtatapos sa araw na manghihina tayo
Hanggang sa mamatay tayo
May numero.
Pero bago yun, makiilala munanatin ang makakasama natin
Tumanda,
Yung gagawan mo ng huling tula ng buhay niyong dalawa
Sana meron nga ako talaga
Pero alam kong nangangarap lang ako
At Nakatayo ngayon dito sa pulpito
Magigising na lang
Sa katotohanang hindi mangyayari lahat ng ito
Kahit bumilang pa ako ng sampu
Kahit umabot ng dalawangpu
Hanggang sa magsawa ako sa pagbibilang
Na kahit alam ko nang totoo,
Umaasa pa rin ako
Kahit ang probability ng magiging tayo ay zero.
Magsimula tayo doon sa umpisa nung una kitang napansin.
Hanngang sa aking pagsulat at pag-amin
Hanngang sa paglayo mo sa akin at pagbaliwala
At paghanap ng iba.
Hanggang sa pagpatak ng mga walang kwenta kong luha
Sa pagtatanong sa aking sarili kung ilan na ba ang naubos?
At bakit nga ba sayo ibinuhos.
At bakit nga ba sayo ibinuhos.
Wow may partition. (simula, hanggang)
anong koneksyon? Wala, parang tayo, isang ilusyon
anong koneksyon? Wala, parang tayo, isang ilusyon
Pero ang alam ko ang nagmamaniobra rin nito ay numero.
Dankal, dipa ? Takal ? Kusing.
Tantsahin mo man gamit ng iyong mga mata
Hindi mo pa rin masusukat kapag sinabi ko na mahal kita.
Ay mali pala,
Nasukat mo na. Kaya nga tumanggi ka.
May magagawa ba ko?
Masisisi ba kita kung ayaw mo?
Kasalanan ko
Kasalanan ko kung bakit pa ako umamin sayo
Kasalanan ko kung bakit hanggang ngayon, ikaw ung iniisip ko
Kasalanan ko kung bakit ginusto pa kita
Na minahal pa kita
Na kahit alam ko… walang pag-asa.
Kasalanan ko. Masisisi mo ba ako?
Masisisi mo ba ako
Kung ikaw ang lagi naaalala ko
Oras, minuto, segundo
Hindi ka mawaglit sa utak ko
Na kahit anong pilit ko
Na kayaning mag-isa
Ipikit ang aking dalawang mata
Tatlong mga salita ang laging naaalala
Mahal, talaga, kita
Na kahit na apat na baso ng kape na
Ang naimom ko
At limang pirasong tasty bread na yung nakain ko
Kahit gising pa rin ako hanggang sa ikaanim ng umaga
Hindi ko mapigilan. Umasa.
Ewan ko ba, kahit huli na
At kasama mo na siya…
Hahakbang ako patalikod, ng isa,dalawa, sampu, kahit kwarenta
Para lang makadistansya.
At hayaan ko na lang kayong dalawa
Kasi sabi nila
Ibigay mo kung saan siya masaya
Unconditional naman kasi dapat diba?
Nasasanay naman na ako
Kahit na kabisado pa rin yung mga numero mo
Hindi ko magawa na hawakan pa ito.
Sa ano pa bang dahilan
Tama na yung kaartihan
Magpapaalam na lang
At mag-ingat
Na sino man siya…
Hindi ka niya iwan…
May hihintayin pa ba ako? Wala na.
Aasa pa ba ako ? hindi na
nag-uusap pa rin ba ? hindi na.
nag-uusap pa rin ba ? hindi na.
Handa na ba akong kalimutan ka? Hindi pa.
Langya
Isang letra lang ang pinagkaiba.
Hindi ko na agad kaya…
tanggalin ka
Pero kakayanin ko
Basta para sayo
Kahit na ang lakas maka
juan severo ang tula ko
juan severo ang tula ko
Huli na to.
Pero huwag naman sana
ang huling tula
na gagawin ko
para sayo.
Pero huwag naman sana
ang huling tula
na gagawin ko
para sayo.
Isa… dalawa… tatlo…
Tapos na ako…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento