Miyerkules, Marso 29, 2017

Numero


Tatlo, dalawa, isa.
Isa
Una.
Simula.
Simula pa lang. Numero na ang nagpapatakbo sa ating mundo.
Umpisa pa lang, pati buhay natin ay nakadikta sa numero
Mula Yaman
Edad
Kaarawan.
Nagsimula tayo dito
Mula sa pinanganak tayo
At magtatapos sa araw na manghihina tayo
Hanggang sa mamatay tayo
May numero.
Pero bago yun, makiilala munanatin ang makakasama natin
Tumanda,
Yung gagawan mo ng huling tula ng buhay niyong dalawa
Sana meron nga ako talaga
Pero alam kong nangangarap lang ako
At Nakatayo ngayon dito sa pulpito
Magigising na lang
Sa katotohanang hindi mangyayari lahat ng ito
Kahit bumilang pa ako ng sampu
Kahit umabot ng dalawangpu
Hanggang sa magsawa ako sa pagbibilang
Na kahit alam ko nang totoo,
Umaasa pa rin ako
Kahit ang probability ng magiging tayo ay zero.
Magsimula tayo doon sa umpisa nung una kitang napansin.
Hanngang sa aking pagsulat at pag-amin
Hanngang sa paglayo mo sa akin at pagbaliwala
At paghanap ng iba.
Hanggang sa pagpatak ng mga walang kwenta kong luha
Sa pagtatanong sa aking sarili kung ilan na ba ang naubos?
At bakit nga ba sayo ibinuhos.
Wow may partition. (simula, hanggang)
anong koneksyon? Wala, parang tayo, isang ilusyon
Pero ang alam ko ang nagmamaniobra rin nito ay numero.
Dankal, dipa ? Takal ? Kusing.
Tantsahin mo man gamit ng iyong mga mata
Hindi mo pa rin masusukat kapag sinabi ko na mahal kita.
Ay mali pala,
Nasukat mo na. Kaya nga tumanggi ka.
May magagawa ba ko?
Masisisi ba kita kung ayaw mo?
Kasalanan ko
Kasalanan ko kung bakit pa ako umamin sayo
Kasalanan ko kung bakit hanggang ngayon, ikaw ung iniisip ko
Kasalanan ko kung bakit ginusto pa kita
Na minahal pa kita
Na kahit alam ko… walang pag-asa.
Kasalanan ko. Masisisi mo ba ako?
Masisisi mo ba ako
Kung ikaw ang lagi naaalala ko
Oras, minuto, segundo
Hindi ka mawaglit sa utak ko
Na kahit anong pilit ko
Na kayaning mag-isa
Ipikit ang aking dalawang mata
Tatlong mga salita ang laging naaalala
Mahal, talaga, kita
Na kahit na apat na baso ng kape na
Ang naimom ko
At limang pirasong tasty bread na yung nakain ko
Kahit gising pa rin ako hanggang sa ikaanim ng umaga
Hindi ko mapigilan. Umasa.
Ewan ko ba, kahit huli na
At kasama mo na siya…
Hahakbang ako patalikod, ng isa,dalawa, sampu, kahit kwarenta
Para lang makadistansya.
At hayaan ko na lang kayong dalawa
Kasi sabi nila
Ibigay mo kung saan siya masaya
Unconditional naman kasi dapat diba?
Nasasanay naman na ako
Kahit na kabisado pa rin yung mga numero mo
Hindi ko magawa na hawakan pa ito.
Sa ano pa bang dahilan
Tama na yung kaartihan
Magpapaalam na lang
At mag-ingat
Na sino man siya…
Hindi ka niya iwan…
May hihintayin pa ba ako? Wala na.
Aasa pa ba ako ? hindi na
nag-uusap pa rin ba ? hindi na.
Handa na ba akong kalimutan ka? Hindi pa.
Langya
Isang letra lang ang pinagkaiba.
Hindi ko na agad kaya…
tanggalin ka
Pero kakayanin ko
Basta para sayo
Kahit na ang lakas maka
juan severo ang tula ko
Huli na to.
Pero huwag naman sana
ang huling tula
na gagawin ko
para sayo.
Isa… dalawa… tatlo…
Tapos na ako…


Sabado, Marso 4, 2017

Gunita

Aking orihinal na titik, sana’y mapakinggan.
Aking natatanging kwento, sana’y magustuhan.
Ang laman ng isip sana’y maramdaman
kung bakit isinulat ang ganitong kasaysayan.

Siya ang dahilan kung bakit ito isinulat.
Siya ang dahilan kaya ang mga mata’y naimulat.
Siya ang dahilan kung bakit mayroong sugat
ang pagsigaw ng puso na mas malakas pa sa kidlat.

Isang bagong nakalipas
na sa puso’y gumasgas
Ngayo’y ililista ang ibig
gamit ang tinta na tubig.

Isang sulat na malaya
na galing pa sa haraya.
At ang mga gunita
ay patungkol sa kanya.

Isang milyang paghihintay
na sa aki’y pumatay;
Isang kilong pasesnya
ang binitawan para sa kanya.

Isang plumang sira
ang gamit sa tula,
habang inaalala
ang mga bagay na tayo sana.

Isang papel na hangin
sa pagsulat ay gagamitin
upang tangayin na rin
ang sakit na iisipin.

Isang tinta na bihira,
ito ay galing pa sa’king luha
para ang mga letra
ay hindi na mabasa.
Sino ka nga ba talaga ?
Bakit ako nagkaganito ?
Gusto kita na makita
dahil ako nga’y nalilito.

Ang hirap naman kasi umamin
kahit pabiro.
Dahil alam nang hindi maniniwala sa’kin,
masasaktan lang ang puso.
Ang hirap sabihin
na “oo, gusto kita”,
dahil ako ay napapapikit din
dahil may gusto ka’ng iba.

Ayaw ko na gawin,
mabibigo lang ako.
Ayaw ko na tumingin,
masasaktan lang ako.

Alak ka ba ?
Dahil tinatamaan lagi ako.
O droga ka ba ?
Dahil laging hanap ng hanap sayo.

Gusto ko na itong tapusin
ngunit hindi nila alam ang pagkatao mo.
Ito lang naman ang aking gustong sabihin,
kanina ko pa binanggit ang pangalan mo.

Pamamaalam

Ang hirap kalimutan ang isang tulad mo
Ang hirap lumayo sa nakasanayan ko
Ang hirap magpanggap sa harapan mo
Ang hirap magbiro dahil nasasaktan ako

Ang hirap magsalita, pagpayo sayo
Ang hirap tumitig, naluluha ako
Ang hirap makinig, ikakamatay ko
Ang hirap dumilat, nadudurog ako.

Dulo ng mga bagay ay lilipas din
Panandalian lamang ito, sakit na iisipin
Tama lang siguro, na isulat ko pa ito
At magsilbing regalo ko, kahit na itapon mo pa ito.

Regalo para sa pasko, dahil wala nang maisip
Regalo para sayo, dahil ayaw kita mainggit
Naaalala mo ba nang ako’y gumawa?
Na sabi mo, sana ikaw na lang.

Ngayo’y babawi ako, ihahandog ko sa iyo
Huling sulat na ito, para basahin mo
Tapos itapon mo, dahil alaala ito.
Hayaang masunog, baka sakaling nawala na rin ako.

Ako’y nasa pagitan ng kaya pa at hindi na.
Ako’y nasa puso ng may iba at ako pa.
Ako’y naiipit sa pagitan ng tapos na at simula pa.
Ako’y mamatay sa pagitan ng ngayon at mamaya na.

Magpapaalam, hanggang sa muli.
Hindi ko alam kung kailan ngingiti.
Hanngang dito na lang, wala na akong masabi
Paalam sayo, na may halong pighati.

Handog Sa Iyo




Namiss ko lang gumawa ng tula
Sana maiintindihan mo
Namiss din kase kita ng sobra
Kaya sana magustuhan mo.

Hindi ko na gagawin itong talinghaga
Para maintindihan mo
Hahayaan ko na lang na simplehan pa
Kasi diba ganito ang iyong gusto?

Nakakamiss yaong mga araw
Na nagsasama tayo
Nakakamisss yaong mga silaw
Ng mga ngiting galing sayo.

Hayaan mo sana akong tapusin ito
Para mabasa mo
Tapos iaabot ko sayo ito
Para maitapon mo.

Masama ba magmahal?
Kung hindi ko mapigilan ang sarili ko
Masama ba na umaasa?
Kung alam ko na maayos pa natin ito.

Hayaan mo muna ikwento ko sayo
Mula sa minsa’y naging tayo
Tapos tatapusin ko ito
Nang may tumutulong luha galing sa mata ko.

Naaalala mo ba noong una tayong nagkita?
Hindi agad tayo nakakilos sa pinaglalagyan
Tuloy ang pangamba sa ating mga mata
Kase matagal na hindi nagsilayan.

Naalala mo ba noong una tayong mag-usap?
Ang gaan sa ating mga salita
Akala mo lumulutang sa alapaap
Hangagang sa naging malapit sa isa’t-isa.


Naaalala mo pa ba noong una tayong maglakad?
Pati ba naman ito naaalala ko pa
Oo kase para ba tayong lumilipad
Pero ang nararamdaman, unti-unting nakikita na.

Kailangan ko munang lumayo
Pero syempre may number mo na ako!
Gumawa na ako ng first move ko,
At ayun! Sapul ang puso mo.

Hanggang sa naging tayo.
Hanggang sa nakuha ko yung matamis mong oo
Hanggang sa nangako tayo sa isa’t-isa
Na walang mag-iiwanan,tayong dalawa.

Masarap na pagsasama,
Magagandang pangyayari sa ating dalawa.
Isang taon at apat na buwan na nagmamahalan
Nawala sa isang trahedya lamang.

Naalala ko noong nasa paaralan ako,
Tumawag ka hanggang malobat ako
Hindi ko agad napapansin
Kasi nakasilent ang Phone ko.

Tumawag ka ulit,
Pero nauna ang pride ko
Kasi tawag ng tawag
Nagalit tuloy ako sayo.

Alam ko na kailangan mo ako ng araw na yoon
Alam ko na gusto mong umiyak kasama ako
Alam ko na gusto mong makasama ako
Pero lahat ng iyon, binalewala ko.

Pagtapos ng isang linggo
Umaga ng mangyari yoon
Tumatawag ako sayo noon
Pero cannot be reach ang iyong telepono.

Sabi ko sa sarili,
busy ka, may ginagawa ka sa school mo
pero kahit na anong oras
Wala pa ring pumapansin sa tawag ko.


Nagtaka na ako
Nag-alala sayo,
Napahinto ako
At nag-isip kung ano.

Paikli ng paikli
Pakaba ng pakaba
Hindi ko na namalayan
Maggagabi na pala

Gusto ko nang bumawi
Pero walang kumakausap sa akin
Gusto ko nang magwala
Dahil hinahanap ka pa rin.

Ikaapat ng oktubre, nakakalap ng balita
Mula sa isang kaibigan na malapit sayo
Nagulat ako sa narinig ko.
Isang linggo ka nang patay, nilisan mo na pala ako.

Hinahanap ko kung saan ka nakalibing,
Hinahanap ko kung saan ka nilagay
Pero wala ang pangalan mo
Bakit hindi ko alam na mangyayari ‘to.

Gulong gulo na ako, nasaan ang puntod mo?
Gusto kitang makita, napapagod na ako
Pero wala, kahit anino ng kinalalagyan mo
Pati ang kaibigan ko, hindi alam kung saan ka tinungo.

Patawarin mo ako kung hindi ko nasagot ang tawag mo,
Patawarin mo ako noong kailangan mo ako ay wala ako.
Gusto ko man bumawi wala nang oras.
Paalam mahal ko, sana magkita tayo bukas. pem.

Nagmamahal,
djm.