Biyernes, Abril 24, 2015

Sulat ng isang nagmamahal

Huling tula na gagawin,
huling salita na bibigkasin,
sa papel na ito'y bibigyan diin
kwento ng buhay, babalangkasin.

Bawat letra'y kinumpleto
bawat bigkas pinag-isipan ko,
bawat salita'y hinuhulma ko
para lang may iparating sayo.

Puno'y umiiwas na kumpas ng hangin,
kamay ay nangangawit sa paghawak ng buhangin,
mga luha sa mata hindi kayang tiisin
kahit ang halaga nito ay hindi kayang ipansin.

Tulad ng larawan, kulay ay kumukupas
tulad ng dahon, sigla ay nalalagas
tulad ng buhay, bigla na lang lalayas
para lang ang sakit ay mabawas.

Ngunit lahat ng ito ay pasikot-sikot ko
iisa lang naman ang sasabhin ko,
Ang gagawin lamang ay lalayo na ako,
at hindi ko alam kung tayo pa ay magtatagpo.

Huli na ang lahat para maiparamdam ko
tapos na ang lahat para masabi ko
wala din magnyayari, may magagawa pa ba ako 
kung hanggang kaibigan lang ang kuha ko ?

Oo nga mahal kita
Oo nga gusto pa kita
kahit na ako'y nasasaktan na
dahil hindi ko magawa na layuan ka

Kung tayo man ulit ay magkita, may papansin pa ba?
Kung tayo man ay magkatinginan, mag-uusap pa ba?
Kung gusto man mahalin ka, pu-pwede pa ba?
O huli na ang lahat para matanggap pa?

Kakausapin pa ba 'ko para bumalik pa?
O hahayaan na lang na umiwas na?
Babasahin pa ba at babalikan ang alaala?
O itatapon na lang, sa oras na tapos na?

Kung lahat ng sulat ay gusto itapon
sana ay sunugin na lang
upang hindi na makaahon
sa damdamin na ilang.

kung lahat man ay kalinutan
gagawin ko lamang na alaala
isang pangako na dadalhin saan man
isang alaala na ibabaon hanggang kamatayan.

Huwebes, Enero 8, 2015

tinta na tubig

Isang bagong nakalipas
na sa puso'y gumagasgas
ngayo'y ililista ang ibig
gamit ang tinta na tubig.

Isang sulat na malaya
na mabasa ng iba
kahit na ang nakalista
ay patungkol sa kanya.

Isang milyang paghihintay
na sa aki'y pumatay
isang kilong pasensya
ang binitawan para sa kanya.

Isang plumang sira
ang gamit ngayon ng makata
sa kakaisip ng tula
na dapat ay sa mahal niya.

Isang papel na hangin
sa pagsulat na gagamitin
upang tangayin na rin
ang sakit na iisipin.

Isang tubig na bihira
ito ay galing pa sa luha
para sa ang mga letra
ay hindi na mabasa.

kung ibibigay man ito
sa aming pagtatagpo
ako ay handa na po
sa pagguho ng aking puso.